EA Guzman at Shaira Diaz, grateful sa isa't isa

Maraming tagahanga ang real-life Kapuso couple na sina EA Guzman at Shaira Diaz.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kina EA at Shaira, nagbigay sila ng appreciation message para sa isa't isa.
Lubos na nagpapasalamat si EA sa pagmamahal at suportang patuloy na ibinibigay sa kanya ni Shaira.
Mensahe ng aktor para sa kanyang fiancée, “Salamat sa pagmamahal. Salamat sa pagsuporta. Salamat sa pagiging inspirasyon every day.”
Pahayag naman ni Shaira, “Gusto kong pasalamat 'yung fiancé ko si EA [Guzman]. Nung mga times na kailangang-kailangan ko talaga ng katulong sa recovery ko, nandiyan siya para sa akin.”
Ayon pa sa actress-host, kahit galing pa sa taping si EA ay inaasikaso pa rin siya ng huli.”
“Galing siya sa taping, pagod pero pumupunta pa rin siya sa akin,” dagdag ni Shaira.
Kasalukuyang napapanood si EA sa GMA legal drama series na Lilet Matias, Attorney-At-Law, habang si Shaira naman ay abala bilang host sa morning show na Unang Hirit.
Matatandaang inanunsyo at kinupirma nina EA at Shaira na sila ay engaged na noong December 2021.
Tingnan ang ilang engagement photos ng real-life Kapuso couple sa gallery na ito.







