Sam Milby on handling breakup with Catriona Gray: 'Honestly, not well'

GMA Logo Sam Milby and Catriona Gray breakup
Source: Fast Talk with Boy Abunda

Photo Inside Page


Photos

Sam Milby and Catriona Gray breakup



Naging mahirap umano para sa aktor na si Sam Milby ang naging hiwalayan nila ng ex-fiancée na si Catriona Gray, taliwas sa inaakala ng nakararami.

Sa kauna-unahang pagbisita ni Sam Milby sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, March 3, inamin niyang hindi siya magaling mag-handle ng breakups. Aniya, iba-iba man ang sitwasyon ng hiwalayan, walang breakup na madali.

Kabilang na dito ang breakup niya kay Miss Universe 2018 Catriona Gray, “Honestly, not well. Like I said, any breakup is not easy. It's hard to talk about 'yung break up namin.”

RELATED CONTENT: Catriona Gray and Sam Milby 'facing some challenges,' says Cornerstone

Sa katunayan, hindi naman niya umano gustong pag-usapan ang naturang hiwalayan. Ngunit kamakailan lang ay nagpa-interview siya kay ABS-CBN entertainment journalist MJ Felipe para lang klaruhin ang isyu ukol dito.

Kinumpirma rin ni Sam na walang katotohanan ang bali-balitang involved ang singer na si Moira dela Torre sa hiwalayan nila ni Catriona. Aniya, isang problema ngayon sa social media ay mahilig ang mga tao na pagdugtong-dugtongin ang iba't ibang bagay na wala naman kinalaman sa isa't isa.

“It's so sad because with social media now, people want to just connect so many things and believe so many things na walang katotohanan and I felt the need to clear 'yung issue na there was no third party, and 'yung sinasabi na si Moira (dela Torre) 'yung third party, I wanted to make that clear,” sabi ng aktor.

Wika pa ni Sam, “I've said it during the interview with MJ, if there's no evidence, don't believe it. So many people are believing so much, so many things na walang katotohanan just because someone had an opinion or they feel this is the reason. If there's no evidence, don't believe it."

Kinumpirma rin ni Sam na hindi na sila magkaibigan ni Moira ngayon ngunit bilang respeto sa singer, hindi na siya nagbigay pa ng karagdagang detalye.

Pinabulaanan naman ni Sam na okay na umano siya matapos ang breakup nila ng dating fiancée. Matatandaan na kumalat ang photos ni Catriona na umiiyak habang nanonood ng concert ni TJ Monterde. Sa isang post, makikita si Catriona na umiiyak habang hindi kalayuan ay wala raw pinakitang emosyon si Sam Milby.

Saad ng aktor, “It was such a beautiful concert, but it was really hard. A woman that I still love and care about, I see a few seats away from me, crying. Beautiful songs, and I didn't know how to react. Like I said, I really don't feel comfortable talking about details like that but if people think I was comfortable, I wasn't.”

“It was a hard situation and I was kinda frozen at the time. It wasn't easy at all,” sabi ni Sam.

RELATED CONTENT: A throwback to Sam Milby and Catriona Gray's relationship:


Engaged
Beginning
Fan boy
Church
Similarities
Advocates
Travel
Privacy
Protection
Boyfriend
Beauty Queen
Actor

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU