
Panloob at panlabas na kagandahan ang tinitignan ni Kapuso hunk David Licauco sa isang babae.
Malaking bagay daw para sa kanya ang paraan ng pagpapalaki ng mga magulang para malaman kung compatible ba sila ng sinumang nililigawan.
"For me the most important trait is upbringing--kung paano sila makitungo sa ibang tao, paano silaa magsalita, how they present themselves. Para sa akin 'yun 'yung pinaka important," pahayag niya.
Gusto rin daw niya ang effortless na ganda sa isang babae.
"And siyempre, maganda, simple. Ayoko ng ma-makeup. Simple lang. Ayoko ng mga trying hard na tao," ani David.
Isang good example nito ay si Kapuso actress Heart Evangelista na first crush daw ni David.
"Very prim and proper, very natural lang siya. Sobrang ganda niya," paglalarawan ni David sa aktres.
Alamin ang iba pang bahagi ng love life ni David sa feature na ito ng Tunay Na Buhay:
WATCH: David Licauco, binalikan ang kanyang male beauty pageant days
WATCH: David Licauco reveals his greatest insecurity