Celebrity Life

READ: Gwen Zamora, sinagot ang basher na sinabihan siya na 'sana pakasalan' siya ng PBA cager na si David Semerad

By Aedrianne Acar

Kahit masaya sa lovelife niya ang former Bubble Gang star Gwen Zamora, hindi pa rin ito nakaka-iwas sa mga pamumuna ng ilang mga basher sa social media.

Gwen Zamora & David Semerad

Makikita sa comments section ng Instagram page ng aktres na isang netizen ang nag-comment at sinabi na "sana ay pakasalan" siya ng kaniyang boyfriend na si David Semerad.

David Semerad answers a netizen who asked if Gwen Zamora is pregnant

Saad ng netizen na si @renzo3954 “I hope he marries you because after this you'll be a damaged meat even a dog will refuse to eat.”

'Tila hindi naman naapektuhan ng mapanirang post sina Gwen at David at dinaan sa pagbi-biro ang kanilang tugon sa basher.

Hindi rin nagpatinag ang showbiz couple sa mga taong hindi nagustuhan ang inupload nilang sexy mirror selfie na magkasama sa Instagram. May pahaging din ang dalawa na iniisip na nila ang pagpapakasal.