Celebrity Life

Sheena Halili, aminadong 'kabado' sa nalalapit na kasal

By Aedrianne Acar
Published July 7, 2019 12:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Habagat to bring scattered rains over parts of Luzon, Visayas
Baus Rufo on creative versatility, shifting careers, and childhood dreams
Japanese Embassy says temporary visa for Filipinos is still free

Article Inside Page


Showbiz News



“Nananaginip na sa kaba” si Sheena Halili sa nalalapit na kasal nila ng kanyang fiancé na si Jeron Manzanero.

Hindi biro ang maghanda para sa isang kasal.

Sheena Halili
Sheena Halili

Tulad na lang ng nararanasan ng Kapuso actress na si Sheena Halili, na umamin kinakabahan habang palapit na ang huge event.

LOOK: Sheena Halili's fiancé pens a love letter for her 32nd birthday

Sa Instagram post, ibinahagi ni Sheena ang ilan sa mga bagay na inaalala niya tungkol sa kanyang kasal.

Aniya, “Malapit na! Malapit na nga ba? Sa ibang tao matagal pa at nakaka-inip na pero ako nananaginip na sa kaba.

“Ilang buwan pa naman! Hala! Ilang buwan nalang?”

“May mga gabi at oras na naiisip ko may kulang pa ba? Tama ba? Okay lang ba? Kasya ba? Kaya ba? Ano paba? Papayag ba siya? Pumayag ba? Magkano ba? At kung ano-ano pang ba?”

Malapit na! Malapita na nga ba? Sa ibang tao matagal pa at nakaka-inip na pero ako nananaginip na sa kaba. Ilang buwan pa naman! Hala! Ilang buwan nalang? May mga gabi at oras na naiisip ko may kulang pa ba? Tama ba? Okay lang ba? Kasya ba? Kaya ba? Ano paba? Papayag ba siya? Pumayag ba? Magkano ba? At kung ano-ano pang ba? Ah basta! Ako, ikakasal na! Wala na! Forever na! Akin kana @jemanzanero !BWAHAHA Sorry! Next time ko na post ung teaser. Maaga pa pala 😂 Wedding coordinator: @christineongte @cotevents

A post shared by Sheena Yvette Halili (@mysheenahalili) on

Ilang celebrities naman ang nagbigay ng mensahe kay Sheena at pinaalalahanan siyang i-enjoy ang buong experience sa paghahanda para sa kanyang kasal.

Payo ni Carla Abellana, “Aww… Wedding planning stress. Kaya mo yan!”

Dagdag naman ni Maybelyn dela Cruz, “Enjoy the whole process sis! Sooo happy and excited for you! You deserve all the love!”

Noong August 2018, sinorpresa si Sheena ng marriage proposal ng kanyang lawyer boyfriend na si Jeron Manzanero.

LOOK: Sheena Halili, engaged na sa kanyang lawyer boyfriend