Celebrity Life

ALAMIN: Kailan na-realize ni Raffy Tima na crush niya si Mariz Umali?

By Cara Emmeline Garcia

Ika nga ng ilan, “the person you end up with is the one who has been by your side all along.”

Raffy Tima at Mariz Umali

'Yan ang love story ng Kapuso reporters Mariz Umali at Raffy Tima na magkaibigan ng mahigit walong taon bago sila naging official couple.

Sa isang pocket conference ng top-rated morning show na Unang Hirit, ibinahagi ni Mariz kung paano nalaman ni Raffy na crush pala niya siya.

“Sa 30th birthday ni Rhea [Santos],” kuwento niya.

“Doon na-realize ni Raffy na may crush pala siya sa akin. Kasi napansin siya ni Pia Arcangel na nakatingin sa akin habang kami ni Rhea nagsasayawan lang kami sa gitna.

“As in sobrang busy kami sa pagsasayaw, tapos nakita ni Pia si Raffy na nakatingin sa akin tapos 'di na niya tinantanan si Raffy magmula nun.”

JUST IN: Mariz Umali is now part of the 'Unang Hirit' barkada!

Salaysay pa ng bagong Unang Hirit host, agad-agad minabuti ni Pia na tanungin si Raffy tungkol dito.

“Sabi raw ni Raffy, 'Hindi, wala!'.

“Tapos hindi na niya tinantanan si Raffy tapos umamin din sa kanya.

“Magkasama sila sa Balitanghali, 'di ba? Nung magkasama sila sa doon, 'yun 'yung parang everyday usapan nila tapos nagpa-plan pa sila kung paano ako liligawan.

“And the rest is history.”

Kinasal sina Raffy at Mariz noong December 2012.

Mariz Umali is officially part of the Unang Hirit barkada!