Celebrity Life

Ciara Sotto says Fil-Am BF Ian Austin gets along with her son Crixus

By Jansen Ramos

Blessing kung ilarawan ng actress/singer na si Ciara Sotto ang kanyang Filipino-American boyfriend na si Ian Austin.

IN PHOTOS: Meet Ciara Sotto's boyfriend Ian Austin

Ayon kay Ciara, malaking bagay na nakuha ng non-showbiz personality ang loob ng kanyang 4-year-old son na si Crixus.

24 Must-see photos of Ciara Sotto's son Crixus


"It's a blessing na rin na magkasundo sila, hindi ko rin naman in-expect na mapapamahal siya kay Crixus saka mapapamahal si Crixus sa kanya," bahagi ni Ciara sa panayam ng ilang entertainment reporters sa product launch ng Aprica Easy Buggy three-wheel stroller na ginanap noong November 19 sa Adventure Zone sa BGC.

IN PHOTOS: Pauleen Luna, Kaye Abad at iba pagn celeb moms, nagsama-sama sa isang product launch event

Laging present si Ian sa social events na dinadaluhan ni Ciara at maging sa family gatherings ng pamilya Sotto.

Ngayong Pasko, makakapiling ba ni Ciara ang kanyang Fil-Am boyfriend?

Sagot ng 39-year-old TV personality, "Hopefully, we get to spend it together pero I will understand din if hindi kasi ngayon lang din siya umuwi from the States after 13 years. So baka gusto rin ng parents niya, ng mom niya na makasama siya, 'di ba? And he's from Pampanga so hindi pa namin alam 'yung plans."

November 18, 2018 noong ipinakilala ni Ciara si Ian bilang kanyang boyfriend sa pamamagitan ng Instagram. Sa caption, "love" kung tawagin niya ang non-showbiz personality.

Ikinasal si Ciara sa businessman na si Jojo Oconer noong January 17, 2010.

Noong February 2019, napawalang-bisa ang kanilang kasal.

Panoorin ang buong interview dito: