Celebrity Life

Aiai Delas Alas, birthday wish para sa asawa na dumating na ang kanilang 'little angels'

By Jansen Ramos

Ibinahagi ni Aiai Delas Alas sa Instagram ang kanyang birthday wish para sa kanyang asawang si Gerald Sibayan. Ipinagdiwang ng huli ang kanyang 26th birthday noong November 29.

Kabilang riyan ang "good health,"more blessings," "prosperous career," at maging ang pagdating ng kanilang "little angels."

"HAPPY BIRTHDAY MY DARLING -- mahal na mahal kita," bungad ni Aiai sa kanyang caption.

"I wish you good health and more blessings sa buhay mo .. prosperous career and mga little angels naten ay dumating na."

"SALAMAT SA ARAW NA ITO .. at naging masaya ako binigay ka ni lord saken yehey @gerald_sibayan."

Sa isang panayam ng GMANetwork.com kay Aiai kamakailan, sinabi niyang ipagpapaliban muna nila ni Gerald ang kanilang baby plans dahil sa kanyang edad na 55 at dahil sa kanyang kalusugan.

Gayunpaman, hindi nawawalan ng pag-asa si Aiai na magkakaroon pa rin sila ng anak. Pahayag ng The Clash judge, “Hayaan mo, mangyayari at mangyayari 'yon.

"Magkakaroon at magkakaroon kami ng baby."

“Makikita n'yo na lang na mayroon kaming, 'Uy, bibinyagan na 'yung anak namin.'

“Kahit anong paraan basta kahit sa anong paraan magkakaroon kami ng baby.”