Celebrity Life

WATCH: Dingdong Dantes at Marian Rivera, iba na ang turing sa Valentine's Day

By Dianara Alegre

Ngayong apat na sa pamilya ang Dantes Squad, ibinahagi ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na iba na ang kahulugan ng Valentine's Day para sa kanya at sa asawa niyang si Primetime King Dingdong Dantes.

Para sa DongYan, “Love Day” lagi kapag kumpleto sila.

“Everyday naman [ay] Valentine's Day basta kasama mo 'yung mahal mo, 'di ba?,” sabi ni Dingdong.

Samantala, ikinuwento naman ni Marian na lagi niyang hinahanap-hanap ang bubbly at sweet na mga anak nilang sina Letizia “Zia” Dantes at Jose Sixto Dantes IV o Baby Ziggy.

“Wala talaga, e. Matutunaw ka talaga at hahanap-hanapin mo talaga. Kaya kapag may work ako, sabi ko nga, always looking forward na makauwi ng bahay para makita ko silang dalawa,” aniya.

Bukod dito, patunay din sa mga Instagram photos ng Dantes Squad kung gaano sila kasaya tuwing magkakasama at kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

Happy Valentine's Day, Dantes family!

Panoorin ang espesyal na pagtatampok ng 24 Oras sa nakaaaliw na kulitan ng Dantes family:

#TeamDantes: The growing, beautiful family of Dingdong Dantes and Marian Rivera

Marian Rivera posts twinning photo with Ziggy Dantes