Celebrity Life

MUST-SEE: Kanino galing ang Valentine's Day surprise ni Sanya Lopez?

By Marah Ruiz

Hindi nagpahuli Sanya Lopez at nag-post din tungkol sa Valentine's Day surprise na natanggap niya.

May balloons, streamers, at handa pa. Ang tanong: Kanino galing ang mga ito?

"Akala nyo kayo lang ang may surprise valentines dinner. Ako din kaya..." sulat niya sa caption ng maikling video na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Makikita ditong kunwari nagulat siya nang makita ang set up. Pero agad din niyang ipinakita na siya mismo ang nagkabit ng mga lobo at ilaw.

"Happy single awareness!" biro pa ng kanyang kapatid na si Jak Roberto na kumuha ng video.


Wala mang love life si Sanya, maganda naman binuksan ng dalaga ang kanyang taon sa pagiging pinakabagong calendar girl ng isang leading gin brand.

WATCH: Sanya Lopez plays strip in a game of 'Never Have I Ever'

EXCLUSIVE: Sanya Lopez drops the cheesiest pick-up lines