Celebrity Life

WATCH: Barbie Forteza, naiyak sa Valentine's Day surprise ni Jak Roberto!

By Felix Ilaya

Tampok sa latest vlog ni Jak Roberto ang kaniyang Valentine's Day surprise para kay Barbie Forteza.

Ayon kay Jak na akala raw ni Barbie na wala silang gagawin as a couple ngayong Valentine's Day dahil tumapat ito sa araw ng taping niya para sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.

Lingid sa kaalaman ni Barbie na may inihanda palang sorpresa si Jak sa mismong taping location nila.

Nang makita ni Barbie ang Valentine's Day set up ni Jak complete with flowers, balloons, and romantic photos, bigla na lang siyang napaiyak sa saya!

Bakit kaya gulat na gulat si Barbie sa sorpresa ni Jak?

Alamin sa kanilang vlog below:

Sa Instagram post naman ni Barbie, nagpasalamat siya kay Jak para sa lahat ng ginagawa nito para sa kaniya.

"He just never fails. I feel like the prettiest girl in the world in oversized boy outfit. Mabuti nalang condo ang location ng taping namin. Surprise surprise! For the second time! I love you so much mahal ko"

Panoorin si Barbie Forteza gabi-gabi sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday pagkatapos ng 24 Oras. Mag-catch up din sa inyong paboritong Kapuso teleserye sa GMA Network website o official app.