Celebrity Life

EXCLUSIVE: Ruby Rodriguez, may love advice para kina Maine Mendoza at Pauleen Luna

By Cherry Sun

Si Ruby Rodriguez ang isa sa mga takbuhan ng kanyang mga kaibigan para sa love advice. Ano nga ba ang kanyang naipayo kina Maine Mendoza at Pauleen Luna pagdating sa pag-ibig?

Ruby Rodriguez

Eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork.com si Ruby sa ginanap na story conference ng Owe My Love.

Bibigyang-buhay ni Ruby sa upcoming Kapuso rom-com series si Nanay Coring. Siya ang ina ng character ni Lovi Poe at nagtatrabaho si isang pawn shop. Sa kuwento, mahilig siyang magbigay ng love advice sa kanyang mga customer.

Anang dabarkad, hindi raw nalalayo ang kanyang role sa totoong buhay dahil madalas ay nilalapitan din siya ng kanyang mga kaibigan para humingi ng payo.

Wika niya, “Only if they ask kasi I don't want to meddle. Kasi parang unsolicited advice is not really nice pero kung minsan nakikita kong tahimik, [alam kong] may problema.”

Ganyan daw kung paano niya pakitunguhan ang matatalik niyang kaibigang sina Maine at Pauleen na minsan na rin niyang pinayuhan.

Ano nga ba ang love advice niya para kina Menggay at Poleng?

Pagbahagi ni Ruby, “Follow your heart. Because if you always follow your mind, in the end your heart suffers. So follow your heart but remember to put your head on your shoulders.

“And I always say, give everything, sige lahat na, but always leave dignity for yourself.”

Panoorin: