Celebrity Life

Maine Mendoza, nag-react sa post ni Oyo Sotto tungkol sa lockdown

By Aedrianne Acar

Kung tatanungin ang Daddy's Gurl star na si Oyo Sotto, wala siyang nakikitang problema kung ma-lockdown siya. Bakit naman kaya?

Maine Mendoza, Kristine Hermosa, at Oyo Sotto

LOOK: Inside the private home of Oyo Sotto and Kristine Hermosa

Nakatanggap ng maraming likes ang Instagram post ni Oyo Sotto nang i-flex niya ang larawan ng misis na si Kristine Hermosa na pahiwatig na wala siyang nakikitang problema sa sitwasyon basta kasama ang kanyang magandang asawa.

As of writing, may mahigit 83,000 likes na ang IG post na ito ni Oyo.

Nag-reply naman si Kristine ng laughing emoji sa viral post ng kanyang mister.

Samantala, napa-"sana all" naman ang Daddy's Gurl co-star ni Oyo na si Maine Mendoza sa sweet post ng aktor.

Ikinasal noong January 12, 2011 sa Batangas sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa.