Celebrity Life

Michael V. at Carol Bunagan, nag-celebrate ng kanilang 26th wedding anniversary kahit may ECQ

By Aedrianne Acar

Kahit nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon at lahat ay nasa kanilang mga bahay lamang, ginawang special ng award-winning comedian/content creator na si Michael V. ang 26th wedding anniversary nila ng kanyang asawa na si Carol Bunagan.

Michael V to wife Carol: "Kahit 25 years na tayong mag-asawa..."

Makikita sa Instagram page ni Bitoy ang ginawa nitong isang short video clip para sa kanilang anniversary na in-upload niya noong Linggo, April 19.


Kahit naging simple lamang ang kanilang selebrasyon this year, naniniwala si Carol na ang importante ay kasama daw niya ang kanyang mister.


Bukod sa pagiging mag-asawa, si Carol ay tumatayong talent manager din ni Michael V. at executive producer ng Mic Test Entertainment.