EXCLUSIVE: Joyce Pring, achievement ang pagiging asawa kay Juancho Trivino ngayong quarantine
Isang malaking achievement para kay Unang Hirit host Joyce Pring ang pagiging isang mabuting asawa kay Juancho Trivino ngayong nasa enhanced community quarantine sila.
Aniya sa isang exclusive interview sa GMANetwork.com, “Ibang feeling pala siya.
“No, but seriously, 'yung mga skills na na-discover ko, sobrang saya lang.
“Nagsimula akong mag-garden [sa condo namin]. Nagtanim ako ng okra so ngayon nag-go-grow na siya and I have plants all over the house.”
Maliban dito, isang malaking achievement din ang matutunang magluto at mag-bake na pinatunayan niyang useful sa birthday ni Juancho noong April 13.
“Natutunan kong gamitin 'yung oven namin so nagagawan ko ng paraan [maipagluto] ng kung ano-anong pagkain si Juancho.
“Tapos nag-bake ako kasi his birthday passed during the quarantine, April 13. So I baked him brownies on his birthday and I baked him cookies the week before his birthday para hindi siya masyadong malungkot.
“Mga ganung bagay. Pero naubos kaagad. As in ubos siya within a day.”
Businessman
Malaki din ang skill na natutunan ni Juancho Trivino noong quarantine.
Sambit ng Kapuso actor sa GMANetwork.com, proud siya at nagamit niya ang kursong itinapos niya noong kolehiyo na Business Management sa De La Salle University.
“Itong real thing na na-discover ko about myself is… Siyempre as many of you know, I've been working in the industry for seven years and wala akong experience with corporate people or handling an organization.
“And one of the things that I started nga, together with my friends, is my non-profit group that helps frontliners.
“So dahil doon, narealize ko sa sarili ko na I can also be capable of leading people to do things. I found the inner leadership skill that I recently unlocked din.
"And with Relieve PH, it has been doing well. Not just because of me, because of God of course. But no doubt, my friends have been pulling their weight.
“It has been quite a ride.”
EXCLUSIVE: Juancho Trivino, inaming nakatulong sa kanyang well-being ang Relieve PH
EXCLUSIVE: Juancho Trivino and Joyce Pring admit feeling anxious due to COVID-19 pandemic