Celebrity Life

Concert photo ni Manilyn Reynes sa ULTRA, nagpakilig online!

By Aedrianne Acar

Napa-throwback ang Pepito Manaloto star na si Manilyn Reynes sa isa sa pinaka-memorable concerts na ginawa niya.

Sa Instagram post ng multi-talened Kapuso actress, inalala niya ang sweet moments nila ng kanyang mister na si Aljon Jimenez sa concert niya noon sa ULTRA o kilala ngayon na Philippine Institute of Sports Multi-Purpose Arena ( PhilSports Arena).

Sabi ni Manilyn, kinikilig pa rin daw siya pag naalala nung time na pina-akyat niya sa stage si Aljon.

Aniya, "TBT Sa 10 @ 20 concert ko po ito, sa Ultra in the early '90's. Pina-akyat ko sa stage si Aljohn Hiyang-hiya siya. Sabi ko nun sa sarili ko, “ Ang cute niya, wiiieeee ( sabay blush )!!!

" Hala, kinikilig pa rin ako hanggang ngayon."

IN PHOTOS: Manilyn Reynes flies with family to Japan


Marami din netizens ang kinilig sa throwback post na ito ni Manilyn tulad na lang ng Bubble Gang star na si Betong Sumaya.

Ikinasal si Aljon kay Manilyn, na binansagang 'The Star of the New Decade,' noong 1996. May tatlo na silang anak--sina Kyle, Kirk, at Kael.

LOOK: Manilyn Reynes relates story behind her throwback photo with husband Aljon Jimenez