Celebrity Life

LJ Reyes, Paolo Contis congratulate Mark Herras and Nicole Donesa on their engagement

By Aedrianne Acar

Sobrang saya ng celebrity couple na sina LJ Reyes at Paolo Contis nang malamang engaged na ang kapwa Kapuso stars nilang sina Mark Herras at Nicole Donesa.

Inanunsiyo ni Mark ang engagement nila ni Nicole sa pamamagitan ng pagbabahagi ng engagement ring na ibinigay niya sa aktres sa Intagram kanina, June 5.

Mark Herras and Nicole Donesa are engaged!

Sa panayam ng GMANetwork.com kina LJ at Paolo, binati ni LJ si Mark na naka-trabaho niya sa afternoon soap na D' Originals noong 2017.

Saad ni LJ, "Uy, Mark! Finally, I'm super happy for you. Siyempre, happy ako na si Mark magse-settle down na siya.

"And, finally he found the one, sana maging fruitful ang kanilang relationship ayan at sana soon makapag-go on sila with their plans.

"It's a very exciting time for you Mark, so congratulations!"

Nakausap ng GMANetwork.com at iba pang entertainment press sina LJ at Paolo sa video conference na inorganisa ng Corporate Communications Department ng GMA-7.

Samantala, may biro naman si Paolo sa good friend niya, na tinaguriang 'Bad Boy of the Dance Floor,' tungkol sa pangalan ng magiging future baby nila ng fiancee niyang Nicole.

Hirit ni Pao, "Siyempre congratulations, kailangan lang ipapaalala ko kay Mark na dapat maging ninong ako ni Covidio.

"Congratulations! Parang batang kapatid ko na yan, congrats kay Herras."

Matatandaan na napanood din sa Kapuso gag show na Bubble Gang si Mark from 2007-2008.

#Nabihag: Mark Herras and actress Nicole Donesa confirm relationship

LOOK: Mark Herras and Nicole Donesa's kilig photos