Celebrity Life

Asawa ni Alfred Vargas na si Yasmine, ikinuwento ang buhay mula sa isang broken family

By Aedrianne Acar

Bagamat pinili ni Yasmine Vargas na umiwas sa limelight, pinaunlakan naman niya ang paglabas sa YouTube channel ng mister niyang si Alfred Vargas upang magkuwento ng naging buhay niya noon sa Italy.

Matatandaan na ikinasal si Alfred sa Fil-Italian na si Yasmien noong 2010.


Sa 20-minute YouTube video ng mag-asawa noong June 25, ibinahagi ni Yasmine ang buhay niya sa Italy kung saan siya at ang kanyang kakambal ay pinalaki ng kanilang ina.

#TwinDyosa: Yasmine Vargas, the ultimate kakambal of Marian Rivera

Paglalahad ni Yasmine, “I was born and raised in Italy, Filipina 'yung nanay ko and 'yung Father ko naman Italian.

“Maliit pa lang ako naghiwalay na 'yung parents ko, so ang nagpalaki sa akin 'yung mother ko and tsaka 'yung kambal niya, 'yung tita ko.”

Kahit galing sa isang broken family, ginawa raw ng kanyang ina at tita ang lahat para maibigay ang mga pangangailangan nilang magkapatid.

“Kahit hindi buo ang pamilya ko, naging masaya ang childhood ko kasi naibigay ng mother ko at saka ng tita ko lahat ng kailangan namin ng kapatid ko at saka gusto namin.”

Ayon pa sa misis ni Alfred, memorable din ang nangyari sa kanya noong tumuntong siya sa edad na 19 na taong gulang, kung kailan siya nagdesisyong pumunta ng Pilipinas.

Paliwanag niya, “Noong 19 years old ako, parang may kulang sa akin. Sabi ko sa mother ko, kung puwede muna akong mag-rest, hanapin ang sarili ko.

“Dahil malaki ang tiwala niya sa akin, never akong nagbigay ng problema sa kanya... Dahil never ako nagbigay ng problema sa kanya--very, very mabait ako, bahay lang at school ako at saka 'pag weekend, nagbe-babysitter ako sa church--pumayag naman 'yung mother ko.

"Pero mayroon lang siyang isang request na sa Pilipinas ko gawin.

“Para mas makilala 'yung roots namin at para matuto rin akong ma-Tagalog, kasi hindi ako marunong mag-Tagalog before.”

May tugon din si Yasmine sa mga taong nakakapansin na may Pampanga accent daw siya.

Natatawang paliwanag niya, “At i-clear ko kaya... Ang dami kasing nagsasabi sa akin na may accent ako na taga-Pampanga.

"Pero ang totoo, Italian lang talaga ako. Wala kaming H, mayroon kaming H, pero silent 'yung H namin.”

Ano naman kaya ang nangyari nang makita ni Alfred Vargas ang kanyang “amore” at paano naging instrumeto ang late director na si Maryo J. Delos Reyes para makilala niya ang kanyang misis?

Panoorin sa "Vargas na Pag-ibig":