Celebrity Life

Heart Evangelista, nakasama na muli si Governor Chiz Escudero

By Maine Aquino

Puno ng saya si Heart Evangelista nang kanyang ibalita na kasama na niyang muli ang asawa na si Governor Chiz Escudero.

Ipinost ni Heart ang kanilang photo sa bahay na may caption na "At long last!"


Matatandaang nagkahiwalay ang dalawa dahil sa enhanced community quarantine.

Si Heart ay nanatili sa Manila habang si Chiz naman ay nasa Sorsogon upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang governor sa harap ng COVID-19 pandemic.

Magkahiwalay man ang dalawa, patuloy naman sa pagpapadala ng tulong si Heart sa kanilang mga kababayan sa Sorsogon.

LOOK: Heart Evangelista to send bed foams to Sorsogon

Heart Evangelista reveals her decision to help people during enhanced community quarantine