Celebrity Life

Carla Abellana at Tom Rodriguez, may pinag-aawayan nga ba?

By Felix Ilaya

Nag-host ng Q&A session ang celebrity couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa official YouTube channel ni Tom.

Sa kanilang video, may isang fan na nag-submit ng question at tinanong sila kung "Ano ang madalas n'yong pinag-aawayan? And gaano kayo kadalas mag-away?"

Ayon kay Carla, gaya ng ibang mag-partner, may mga 'di-pagkakaunawaan din sila ni Tom.

Aniya, "Actually lahat naman talaga ng couples nag-aaway, normal lang 'yan. May times na mababaw 'yung pinag-aawayan, may times na talagang medyo serious, malalim.

"Pero I guess hindi naman kung sa pinag-aawayan na isang topic o isang bagay pero more on 'yung attitude naming dalawa. May times na hindi kami nagkakaintindihan and then nadadala ng emosyon, may ego na kasama."

Gayunpaman, sinisikap nilang magkaayos at magkaintindihan upang mas tumatag pa ang kanilang pagsasama.

"It doesn't matter kung ano 'yung pinag-awayan, ang importante, pag-uusapan at aayusin. Hangga't maari, as soon as possible pag-usapan na and ayusin na bago pa mag-sunrise the following day," wika ni Carla.

Panoorin ang buong Q&A session nina Tom at Carla sa video ni Tom below:

Carla Abellana gives love advice to fans in a Facebook live session

Carla and Tom both star in the highly-rated drama series Love Of My Life. The Kapuso couple can also be seen in the controversial teleserye, My Husband's Lover, which is currently rerunning every Sunday at 11:15 PM.