GMA Logo Jak Roberto and Barbie Forteza
Celebrity Life

Jak Roberto, inilahad ang kanyang ideal marrying age

By Marah Ruiz
Published July 24, 2020 3:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto and Barbie Forteza


Ano ba ang wastong edad para magpakasal para kay Jak Roberto?

Tatlong taon na ang relasyon ng kapwa Kapuso stars na sina Jak Roberto at Barbie Forteza.

Going strong ang dalawa at sa tingin daw ni Jak, malaking bagay sa pagpapatibay ng kanilang relasyon ang komunikasyon.

Bukod dito, long term din kung pumasok si Jak sa isang relasyon.

"Lagi ko pong sinasabi sa mga interviews po sa'kin na tuwing magkakaroon po ako ng karelasyon, kino-consider ko na po na laging 'yun 'yung last," bahagi ni Jak sa isang teleconference interview kasama ang ilang piling miyembro ng media, kasma ang GMANetwork.com.

Iniisip na rin daw niya kasi ang kinabukasan.

"Hindi naman sa binibigay ko po 'yung buo, pero ganoon ako pagka nasa relasyon po ako. Mas binibigay ko po 'yung best ko, siguro as preparation sa lahat ng plano in the future," aniya.

At kung sakali daw na magpapakasal, gusto ni Jak na umabot sila pareho sa wastong edad.

"Marrying age? Siguro po mga 30 plus [years old] para talagang may ipon na. Siya kasi, sabi niya mga 28 [years old] gusto niya mag-settle," kuwento ni Jak.

"Sabi ko, na presure naman ako! 'Ilang taon ka na ba ngayon,' sabi ko. Well, 23 [years old] pa lang naman siya so I still have 5 years to prepare," dagdag pa ni Jak.

Alamin kung paano ang naging arrangement nina Jak at Barbie ngayong quarantine sa video sa itaas.


Samantala, balik-trabaho naman si Jak nang sumabak siya sa una niyang taping habang may quarantine.

Gumanap siya bilang ang controversial dancer and choreographer na si DJ Loonyo sa isang episode ng #MPK.

Aminado si Jak na natakot siyang mag-balik trabaho habang tumataas pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Gayunpaman, pinilit niya ang sarili niya na mag-adapt na sa tinatawag na "new normal."