Celebrity Life

Ara Mina at BFF niyang si Jan Marini, never pang nag-away

By Aedrianne Acar

Pinatibay na ng panahon ang samahan ng magkaibigang sina Ara Mina at Jan Marini.

Sa birthday greeting ng former Bubble Gang star na si Ara Mina para sa kanyang BFF, ni-reveal nito na sa loob ng 18 taon nilang samahan ni minsan daw ay hindi pa sila nag-aaway.

Ani ni Ara sa post niya sa Instagram Story, “Di ko napost tong pic and greetings ko kagabi dahil sa sobrang antok. Anyway, happy birthday to you my sis!

“Can't ask for more… 18 years of friendship is a blessing and very thankful for that at in fairness never pa tayong nag-away.

“Thank you again for loving is and being a good friend. Love You always! Alamo mo yan!”

Nag-reply naman ang versatile actress na si Jan Marini sa sweet message na ito ng kaibigan at sinabi niya na “forever” na ang kanilang friendship.

“I love you sis! 18 years. Pa-two-decades na. Forever na 'yo!”

Bukod sa Bubble Gang, napanood din si Ara sa soap na Pinulot Ka Lang sa Lupa (2017), samantala naging bahagi naman si Jan ng primetime soap na Strawberry Lane (2014).