Celebrity Life

Lolit Solis, inalala ang fairytale wedding nina Vicki Belo at Hayden Kho sa Paris

By Aedrianne Acar

Binalikan ng veteran entertainment columnist na si Lolit Solis ang September 2017 wedding ng showbiz power couple na sina Vicki Belo at Hayden Kho sa Paris, France.

Maihahanlintulad sa isang fairy-tale wedding ang kasal noon nina Vicki at Hayden na dinaluhan ng mga naglalakihang pangalan sa showbiz.

Sa Instagram post ni Manay Lolit, “Parang kailan lang Salve iyon September 2 natin sa Paris sa wedding nila Dr Hayden Kho at Dra Vicki Belo.

"It was one experience na mahirap kalimutan dahil nga bihirang mangyari sa buhay natin.”

Tinawag pa ng former Startalk host na “true love” ang nangyari sa pagitan nina Mr. and Mrs. Kho.

Saad niya, “Exciting dahil isang event na talaga naman unforgettable. Isang lovestory na sabi nga ni Lucy Torres Gomez parang fairy tale.

“Ang wedding nila Hayden at Vicki ang talagang patunay na true love conquers all, na ang pag ibig kahit anong panahon siya parin talagang magbibigay daan for happiness.

“Happy anniversary Dr Hayden at Dra Vicki , continue to be happy especially now with Scarlet around. True love talaga. #classiclolita #73naako #takeitperminutemeganun.”

READ: Lolit Solis, aminadong "barriotic" matapos mag-cruise sa River Siene para sa #aKHOandmyBELOVED

READ: Hayden Kho's heartfelt post-wedding message to wife Vicki Belo