Celebrity Life

Joyce Ching at Kevin Alimon, nagpamigay ng merienda sa mga jeepney driver sa kanilang vlog

By Felix Ilaya

Sa latest YouTube vlog ng couple na sina Joyce Ching at Kevin Alimon, personal na bumisita ang dalawa sa mga jeepney driver upang bigyan sila ng merienda.

Paliwanag nina Joyce at Kevin sa simula ng kanilang video, ang initiative raw na ito ay nabuo salamat sa tulong ng online shop na Jeepney Stop (https://thejeepneystop.com/).

Ayon kay Joyce, ang Jeepney Stop ay isang one-stop online shop na naglalayong makalikom ng sapat na pondo para sa Noche Buena package ng mga jeepney driver.

Panoorin ang vlog nina Joyce at Kevin below:

Pagkatapos nilang magpamigay ng merienda para sa mga jeepney driver, nag-share din sina Joyce at Kevin ng kanilang learnings na natutunan nila sa kanilang simpleng gift-giving activity.

Kuwento ni Kevin, "Siguro na-realize ko lang, there was a time na naghahanap talaga kami ng mga jeepney drivers and medyo nahirapan kami maghanap dahil walang masyadong jeep sa daan 'eh.

"Before, kung makikita n'yo, 'pag lumabas kayo sa daan, bawat sulok may tumitigil na jeep diyan. Ngayon, wala talaga at all. Kailangan naming tawagan 'yung mga kaibigan namin [para malaman] saan may mga jeepney drivers, mga paradahan ngayon, saan sila naka-estasyon ngayon.

"Na-realize namin na ngayong pandemic, nahirapan din talaga silang bumalik. Because of social distancing, nahirapan din sila mag-adjust, isipin mo aayusin nila 'yung jeep nila na lalagyan nila ng mga plastic and all.

"Tapos 'yung pasahero nila, hindi nila mapupuno 'yon. Same amount ng gas pero 'yung amount ng pasahero na nagbabayad, bawas."

Dagdag pa ni Joyce, "Even 'yung pinaka maliit na gesture ng generosity, sobrang magiging blessing talaga 'yon para sa ibang tao.

"So sa inyo na nanood ng video na ito, 'wag kayong mahiya na maging generous, even sa pinaka maliit na amount o pinaka maliit na bagay na pwede niyong gawin.

"No pressure. Walang amount ang generosity."

Sa mga nais na makatulong rin sa mga jeepney driver, maaari kayong bumisita sa website ng Jeepney Stop kung saan nago-offer sila ng mga samu't saring produkto. Sampung porsyento (10%) ng kanilang kikitain dito ay mapupunta sa pondo ng Noche Buena package para sa mga jeepney driver.