Celebrity Life

Dennis Trillo shares sweet birthday message for Jennylyn Mercado

By Maine Aquino

Isang sweet birthday message ang ipinost ni Dennis Trillo para sa kaniyang girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Si Jennylyn ay nag-celebrate ng kaniyang birthday nitong May 15.

Ayon sa mensahe ng aktor, hinding hindi niya pababayaan si Jennylyn kahit ano'ng mangyari.

"Sa lupa, sa ilalim ng dagat, kahit saan pa man, at kahit anong mangyari nandito ako para sa 'yo, hindi kita pababayaan."

Inihayag rin ni Dennis na excited siya sa mga mangyayari sa kanilang buhay. Kasunod nito ay ang pahayag niya ng pagmamahal para kay Jennylyn.

"Excited ako sa mga susunod na kabanata sa buhay natin. Mahal na mahal ka namin, mahal na mahal kita🤍Maligayang kaarawan sayo Mahal ko"

Sa post na ito ay ipinakita ni Dennis ang kanilang sweet diving photos.

Photo source: dennistrillo (IG)

Sa post naman ni Jennylyn sa kaniyang birthday, sinabi niyang masaya siya sa kaniyang mga na-experience sa buhay tulad ng weight changes, pregnancy, at motherhood sa edad na 34.

"I love me then, and I love me now -- weight changes, pregnancy, motherhood, and everything that comes with it! Celebrate your body at every life stage because it's unique, natural and it's beautiful."

Happy birthday, Jennylyn!

Tingnan ang ilang mga litrato ng modern family nina Dennis at Jennylyn sa gallery na ito: