Celebrity Life

Sophie Albert asks Vin Abrenica: 'Do you believe men can't resist temptation?'

By Maine Aquino

"Do you believe men can't resist temptation if temptation is there?"

Ito ang diretsahang tanong ni Sophie Albert sa kaniyang partner na si Vin Abrenica sa kanilang bagong vlog.

Ang vlog nina Sophie at Vin ay tinawag nilang "Questions We've Never Asked Each Other + Mukbang."

Sagot ni Vin, "Lahat naman is nate-tempt."

Paliwanag ni Vin, unfair na sa mga lalaki lang naka-focus ang usaping cheating at temptation.

"'Yung statement na sinabi na hindi talaga makaka-resist 'yung guy, I think that is unfair. Mayroon talagang temptations na nangyayari sa atin."

Dugtong pa ng aktor at new dad, mayroong freewill ang bawat isa.

"Ang nakakalimutan ng statement na 'yun is God gave us a choice and that's his gift to humans, to man. Binigyan niya tayo ng choice to choose what's right and what's wrong. May taong cheater, will they always be a cheater all his life? Parang it's a choice, he chose to cheat. Or he chose to be tempted."

Photo source: Vin & Sophie (YouTube)

"I think that's unfair for guys. It's not a matter of sex, biology. Kung lalaki ka or babae ka."

Saad ni Vin, mas mabuting makipag-usap muna sa partner kung may problema sa isang relasyon.

"If it's not working in the first place, kapag hindi mo nakuha, why would you get something from other girls?

"Why not consult your partner first? Sabihin ko sa'yo this is what I want. Hindi mo maibibigay, then okay hindi mo maibigay sa akin 'yun, I think 'yung relationship natin might be at risk."

Para kay Vin, mas okey na mag-usap muna para magkaroon ng closure at mapagdesisyunan kung kailangan na talaga maghiwalay ng isang couple.

"Kung makapag-agree kayo na at risk nga 'yung relationship, kung ayaw niyo pa rin ang isa't isa then at least you have a closure first. E di maghiwalay kayo. Then you do the stuff that you want to do."

Paliwanag pa ni Vin kay Sophie, sa kahit ano'ng sitwasyon ay may choice ang isang tao.

"Choose. At least you're not gonna cheat but you're gonna do what you want that can satisfy you."

Saad pa ng aktor, "'Yung pinakaano sa akin is you have a choice. you always have a choice."

Panoorin ang kanilang pag-uusap sa video na ito:

Samantala, silipin ang photos ng cute na photos ng anak nina Vin at Sophie na si Avianna sa gallery na ito: