GMA Logo Marian Rivera and Dingdong Dantes
Celebrity Life

Marian Rivera at Dingdong Dantes, sweet na sweet sa isa't isa

By Dianne Mariano
Published July 27, 2021 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera and Dingdong Dantes


“No dull moments,” ani Marian.

Ibinahagi ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang kanyang larawan kasama ang asawang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa Instagram kahapon, Hulyo 26.

Sweet na sweet naman ang posing ng dalawa at kitang-kita sa kanilang mga mata ang pagmamahalan nila sa isa't isa.

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes 🇵🇭 (@marianrivera)

Isinulat ng dating Dyesebel actress sa caption, “No dull moments.”

Talagang walang hindi makulay na kaganapan sa pagsasama ng dalawang beteranong artista, lalo na at sila ay mayroong napakaganda na panganay na si Zia at napakagwapong bunso na si Ziggy Dantes.

Ang radio jock na si DJ Chacha ay nag-react sa nakatutuwang litrato ng Kapuso couple at nag-iwan ng apat na heart emojis.

Taos puso naman din ang pagmamahal at pagsuporta ng “DongYan” fans at ibinahagi ang kanilang admirasyon sa mag-asawa at nag-iwan ng heart at heart-eyed emojis sa comments section.

Sa kasalukuyan, nasa higit 105,000 views na ang nakakakilig na sweet photo nina Marian at Dingdong sa social media.

Noong Linggo, Hulyo 25, ibinahagi rin ni Marian ang kanilang nakatutuwang laro ni Dingdong sa kanyang Instagram stories.

Isinulat ng dating Endless Love actress sa caption: “Happy Sunday.”

Sa maikling video na ito, makikita na masayang naglalaro ang mag-asawa at patuloy ang pag-apir hanggang sa natawa ang aktres.

Ipinost din ito ng dating Descendants of the Sun actor at naglagay ng nakatatawang caption: “PAM PARAM PAM.”

Ipinost din ng fan account na @thedongyanatics ang naturang video at sinulat sa caption, “Pam param pam! Pampa-good vibes on this rainy day.”

A post shared by Team Dantes (@thedongyanatics)

“#MarianRiveraDantes #DingdongDantes #DongYan.”

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng dating Encantadia actress ang kanyang throwback na larawan kasama ang litrato ni baby Ziggy, kung saan kitang-kita ang kanilang pagkakahalintulad sa itsura.

Ang nakatutuwang throwback photo ng mag-ina ay isang patunay ng kanilang pagiging “twins.”

Muling tingnan ang napakagandang pamilya nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa gallery na ito: