GMA Logo Stephan Estopia and Kiray Celis
Celebrity Life

Kiray Celis pens sweet birthday message for BF Stephan Estopia

By Aimee Anoc
Published August 18, 2021 5:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Stephan Estopia and Kiray Celis


"Mahal na mahal kita! Wala na akong mahihiling pa." - Kiray Celis

Nag-post ng sweet message si Kapuso actress Kiray Celis sa Instagram para sa kaarawan ng kanyang nobyong si Stephan Estopia.

Sa post ni Kiray, makikitang sweet na sweet ang dalawa habang nasa pool. Yakap-yakap ni Stephan ang aktres at nakahalik naman sa noo nito si Kiray.

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

"When you start to grow and mature, you'll realize that looks aren't the most important thing when looking for a partner. What matters most is his attitude, sense of responsibility, faithfulness and loyalty," sulat ng aktres.

"Choose someone who can take care of you physically, emotionally, and financially," dagdag pa nito.

Noong Hunyo 2020 umusbong ang pag-iibigan nina Kiray at Stephan. Parehong nanggaling sa breakup ang dalawa. Matagal nang kaibigan ng kapatid ng aktres si Stephan pero kailanman ay hindi niya ito napapansin.

Matapos ang dalawang buwan ng kauna-unahang heartbreak, natagpuan ni Kiray ang tunay na pag-ibig kay Stephan.

"Happy happy happy birthday aking jowa na si Stephan Estopia! Sabay nating aabutin lahat ng mga pangarap natin. Mahal na mahal kita! Wala na akong mahihiling pa," pagtatapos ni Kiray.

Sinuklian naman ni Stephan ang pagbating ito ni Kiray sa kanyang Instagram kung saan ibinahagi nito ang ilan sa mga larawan ni Kiray.

A post shared by Stephan Estopia (@stephan.estopia)

Ipinaabot din ni Stephan sa post ang umaapaw na pagmamahal para sa nobya.

"Lahat uulit-ulitin ko. Kasi gusto ko ikaw ang maging dulo at katapusan ko. Mahal na mahal kita sobra sobra sobra Kiray Celis!" pagbabahagi ni Stephan.

Samantala, kilalanin ang jowable boyfriend ni Kiray sa gallery na ito: