GMA Logo Pops Fernandez and Vicki Belo
Celebrity Life

Pops Fernandez, nagsalita tungkol sa pakikipagrelasyon sa mas batang lalaki

By Aimee Anoc
Published August 20, 2021 7:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Pops Fernandez and Vicki Belo


"They don't see it as an honest-to-goodness relationship. I went through a lot of that and I cried about those things also." - Pops Fernandez

Ibinahagi nina Pops Fernandez at Vicki Belo ang kanilang karanasan tungkol sa pakikipagrelasyon sa mas batang lalaki at ang nakuhang panghuhusga dahil dito.

Sa vlog ni Belo noong Biyernes, isa sa napag-usapan ng doktora at ng Centerstage judge ay ang naging karanasan nila sa pakikipagrelasyon sa mas batang lalaki at ang karaniwang nasasabi ng mga tao tungkol dito.

"Kasi we get judged, grabe. Older guys kapag 75 years old, nagda-date ng 25, walang reklamo," pagbabahagi ni Belo.

"Merit pa 'yon sa kanila," dagdag naman ni Pops.

"Pero 'pag babae mas older, my gosh judgment everywhere," pagpapatuloy ni Vicki.

Inamin din ni Pops na dumaan siya sa ganoong panghuhusga. "I felt like, pinipilit ko 'yung partner ko," sabi ni Pops, na dinugtungan naman ni Vicki, "Or pera lang hanap sa 'yo."

"First of all, I don't offer money. I'm kuripot," biro ni Pops.

"Kawawa rin for the guys because they get judged and they're not like that," dagdag pa niya.

"They don't see it as an honest-to-goodness relationship. I went through a lot of that and I cried about those things also," pagpapatuloy ni Pops.

Sa ngayon, single pa rin si Pops at masayang naghihintay sa kanyang pag-ibig. "It's hard to believe I'm not sad. I was sad, I was lonely. We put it in our minds that for you to be happy, you have to have a partner. But I realized, I'm okay. Im happy. I'm happy with my family, I'm happy with my boys."

Masaya namang kasal si Vicki sa asawa nitong si Hayden Kho, na mas bata ng 23 taon sa kanya.

Samantala, dati nang nagkaroon ng relasyon si Pops sa mas batang kalalakihan, at isa na rito ang modelong si Brad Turvey.

Tignan sa gallery sa ibaba ang masasayang larawan ni Pops Fernadez: