GMA Logo Marian Rivera and Dingdong Dantes
Photo source: @marianrivera
Celebrity Life

Marian Rivera at Dingdong Dantes, ibinahagi ang sikreto sa kanilang matatag na relasyon

By Maine Aquino
Published August 25, 2021 3:43 PM PHT
Updated August 26, 2021 10:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera and Dingdong Dantes


Ano nga ba ang sikreto ng celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes kung bakit masaya at matatag ang kanilang relasyon?

Ikinuwento nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang kanilang sikreto kung bakit masaya at matatag ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Ayon kay Marian sa ginanap na GMA Pinoy TV FunCon ngayong August 25, wala namang perfect na relasyon pero maaaring maging close to perfect ang pagsasama ng isang couple kapag parehong nagbibigay ng effort sa relasyon.

"Wala naman talagang perfect relationship e. Pero nga sabi nga namin kung kayong dalawa winowork n'yo 'yun together siguro puwedeng maging close to perfect, hindi ba?"

Saad ng Kapuso Primetime Queen, kahit sa bahay lang sila ni Dingdong ay nagbibigay sila ng oras sa isa't isa.

Marian Rivera and Dingdong Dantes

Photo source: GMA Pinoy TV FunCon

"Siguro malaking factor din na palagi kaming naglalaan ng time kahit nasa bahay kami."

Kuwento pa ni Marian, importante na alamin ang kalagayan ng isa't isa.

"Kasi ngayon na may pandemya, nasa bahay lang kayo. Baka minsan akala mo porket nasa bahay kayo na magkasama kayo 'yun na 'yung time na 'yun. Hindi.

"May time talaga kami na kaming dalawa na palagi kaming nag-uusap, nag-heart to heart talk talaga kami kung kumusta ka na, ano'ng nangyari sa'yo, may kailangan ka ba?"

Dugtong rin ni Marian, mabuting inaalam ang kalagayan ng partner mo sa buhay.

"Siguro napakalaking halaga nun na nalalalaman mo o tinatanong mo yung partner mo kung kumusta na siya.

Sa pagpapakilig, hindi rin nagpapahuli sina Dingdong at Marian kaya naman kitang kita ang kanilang saya bilang mag-asawa.

Pag-amin ni Marian, "Hindi nawawala 'yung kilig kasi ewan ko. Marami kasing gimik kasi din 'to e. Parati akong pinapakilig e. So ako naman sa iba ko naman siya pinakikilig, sa ibang way. Magkaiba kaming dalawa."

Pananampalataya sa Panginoon din daw ang isa sa nagsilbing gabay sa kanilang buhay mag-asawa at magulang kina Zia at Ziggy.

"Malaking factor na sinasama namin ang Panginoon sa gitna namin at 'yun ang nagpapatibay talaga sa relasyon namin at sa mga anak namin."

Si Dingdong ay ibinahagi naman na nai-inspire siya na maging mabuting tao dahil kay Marian.

"Mas nai-inspire ako maging mabuting tao dahil sa kanya. Kumbaga, sinusuportahan niya lahat ng gusto ko. Kunwari may gusto akong makamit o marating, nandiyan siya talaga 100 percent to support me at ganon din ako para sa kanya."

Saad pa ng Kapuso Primetime King, ang naging role nila sa isa't isa ay magsilbing inspirasyon para maging best version ng bawat isa.

"Hindi naman parang tipong kung ano 'yung kulang sa akin, pinupuno niya at kung ano ang kulang sa kanya, pinupuno ko. Kumbaga, nagiging best versions of ourselves kami. Gusto namin parating 10 over 10 sa isa't isa."

Panoorin ang kabuuan ng 'DongYan #StrongerTogether' FunCon dito:

Mapapanood overseas sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Endless Love, Tadhana, at Amazing Earth sa GMA Pinoy TV! Bisitahin lang ang www.gmapinoytv.com/subscribe para sa detalye!

Tingnan ang mga nakakakilig na photos nina Dingdong at Marian at home sa gallery na ito: