
Masayang-masaya sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa mga larawang ibinahagi ng aktor mula sa camping trip nila sa California.
Sa post sa Instagram, makikita sina Bea at Dominic na masayang namamasyal sa Yosemite National Park habang magkahawak ng kamay. Kalakip din dito ang sama-sama nilang pag-iihaw ng marshmallows at iba pang pagkain.
Sa isang larawan, makikitang nakakandong si Bea kay Dominic habang yakap-yakap naman ito ng aktor.
"Let's go back please!" komento ng Kapuso actress sa post na ito ni Dominic.
Agad naman itong sinagot ng aktor, "@beaalonzo I miss you hun... [na may kasamang kiss emoji.]"
Hindi naman nagpahuli ang kanilang mga tagahanga at ibinahagi ang pagsuporta sa pagmamahalan nilang dalawa.
"Hahaha da best 'yung kandong. Super excited tuloy kami sa vlog this Saturday sa YouTube channel mo papa Doms," sabi ni @beadom.fanpage.
"Ay! Hindi ko kinaya 'yung last picture," dagdag pa ni @iamalbiza, na may kasamang heart emoji.
"Bakit 'di ako nakokornihan sa dalawang 'to? Feel na feel ko sila, parang ang pure ng love nila sa isa't isa," pagbabahagi ni @kibzme2627.
"Soooo sweet naman. Sana kayo na forever. Sobrang inaabangan ko post n'yo papa Dom at Bea," sulat ni @msuancasipong.
Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang mahigit 239,620 likes at 3,390 comments ang post ni Dominic.
Lumipad papuntang Los Angeles sina Bea at Dominic noong July at bumalik ng bansa matapos ang halos isang buwang bakasyon.
Noong August 9, kinumpirma ni Bea ang relasyon kay Dominic sa panayam kay Nelson Canlas.
Samantala, balikan sa gallery sa ibaba ang sweetest photos nina Bea Alonzo at Dominic Roque: