
Masayang ibinahagi ni Tom Rodriguez na muli na niyang nakasama ang kanyang fiancee na si Carla Abellana.
Sa Instagram post, ngiting-ngiti ang aktor na binati ang kanyang followers at sinabing masaya siya dahil makakasama na niyang muli si Carla.
Kapwa naging abala sina Tom at Carla sa lock-in taping ng kanilang mga serye kaya naman matagal-tagal din nang huli nilang nakasama ang isa't isa. Si Tom sa seryeng The World Between Us at si Carla naman sa To Have and To Hold.
"Gooood mooorning! Today is a very special day for me. I get to see my sweetheart again, albeit briefly. Kaya ganito na lang kaTOMis ang ngiti ko," sulat ni Tom.
Bukod sa netizen, binati rin si Tom ng kanyang celebrity friends na sina Rocco Nacino, Lovi Poe, Rafael Rosell, Ruru Madrid, at Rodjun Cruz sa post niyang ito.
Sa isa pang Instagram post, ibinahagi ni Tom ang larawan nila ni Carla na kapwa nakangiti habang nag-eehersisyo.Inside link:
"Life is calmer and sweeter with you by my side, [Carla Abellana] I love you!!!" matamis na mensahe ni Tom.
Noong Marso inanunsyo nina Tom at Carla na engaged na sila, na nangyari noong October 2020.
Pitong taon nang magkarelasyon sina Tom at Carla kung saan una silang nagkasama noong 2013 sa hit series ng GMA na 'My Husband's Lover.'
Samantala, balikan sa gallery sa ibaba ang engagement nina Tom Rodriguez at Carla Abellana: