Celebrity Life

Ina Feleo gives Carla Abellana important marriage advice

By Aedrianne Acar

Nausisa ng entertainment press ang versatile actress na si Ina Feleo kung may payo ba siya sa kanyang To Have And To Hold co-star na si Carla Abellana na malapit na rin ikasal sa kanyang fiancé na si Tom Rodriguez.

Ikinasal si Ina sa kanyang non-showbiz husband na si Giacomo Gervasutti noong December 2020 at idinaos ito sa Pinto Art Museum sa Antipolo City.

Source: ina_feleo (IG)

Ayon kay Ina, confident siya na magiging maayos ang lahat sa pagitan nina Carla at Tom, lalo na at matagal na silang magkarelasyon.

Paliwanag niya, “Yung pinaka-importante is that you marry the person- you choose e. At least 'yun ang maganda sa marriage 'di ba, ikaw ang pipili kung sino makakasama mo habang buhay. Hindi yan pinilit sa'yo, hindi 'yan isang desisyon na gagawin mo, because kinilig ka or something like that.

"Carla has been with Tom for many years and I have seen them, kahit na hindi kami talaga ganoon ka-close, ngayon lang kami ni Carla naging friends, Pero I've always seen them and I see that it's a real relationship. So, sa akin I'm pretty confident na kakayanin nila.”

Dagdag pa niya, isa sa mga natutunan niya nang ikasal sa kanyang Italian husband na dapat maunawaan nilang pareho na magkaiba sila ng personalidad at tanggap nila nang buong-buo ang isa't-isa.

Aniya, “Always remember that these are two individuals. Hindi ako naniniwala na parang you become one person, no! You are still two individuals, so may mga bagay talaga na ito ako at 'yan ka. And when you make the decision to get married you are ready to accept the whole package.”

Muling balikan ang intimate wedding nina Ina at Giacomo noong nakaraang taon sa gallery sa ibaba.