GMA Logo Bea Alonzo and Dominic Roque
Celebrity Life

Dominic Roque, niyayang mag-beach si Bea Alonzo para sa nalalapit na kaarawan

By Aimee Anoc
Published October 6, 2021 7:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rains over PH
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo and Dominic Roque


Ipagdiriwang ni Bea Alonzo ang 34th birthday nito sa October 17.

Para sa nalalapit na kaarawan ng nobya, niyaya ni Dominic Roque si Kapuso actress Bea Alonzo na pumunta sa beach.

Noong Miyerkules (October 5), ibinahagi ng aktor ang larawan nila ni Bea na kapwa nakangiti habang nasa pool.

"Lapit na birthdayyy mo... beach na tayo," sulat ni Dominic na may kasamang heart emoji.

Agad namang sumagot ang aktres, "Lika na pleaseeeee!"

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

Una nang nag-post si Dominic ng larawan ni Bea na kuha noong Valentine's Day kung saan makikita sa tabi ng aktres ang mga rosas.

Biro ni Bea, "Uy, miss niya 'ko."

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

Ipagdiriwang ni Bea ang 34 birthday nito sa October 17.

Noong Hulyo, ipinagdiwang ni Dominic ang 31st birthday niya kasama ang aktres sa California.

Kinumpirma ni Bea ang kanilang relasyon noong August 9, ilang araw matapos ang bakasyon sa California.

Samantala, tingnan sa gallery na ito ang sweet moments nina Bea Alonzo at Dominic Roque: