GMA Logo carla abellana
Celebrity Life

Carla Abellana, ipinakita ang hirap ng pagsasabay ng wedding planning at lock-in taping

By Marah Ruiz
Published October 16, 2021 6:15 PM PHT
Updated October 18, 2021 6:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

carla abellana


Kahit parehong nasa lock-in taping, sabay na pinaplano nina Carla Abellana at Tom Rodriguez ang kanilang kasal.

Parehong busy sa kanikanilang shows ang engaged Kapuso couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Si Carla, nasa lock-in taping ng kanyang show na To Have and To Hold. Si Tom naman, nasa lock-in ng The World Between Us.

Gayunpaman, magkasama pa rin nilang pina-plano ang kanilang upcoming wedding.

Sa isang bagong vlog, ipinakita ni Carla ang ilang videos kung saan mapanonood ang mga wedding preparations niya bago tuluyang pumasok sa lock-in taping.

Kinuha na ni Carla ang ilang dokumentong kailangan para sa kasal nila ni Tom tulad ng kanyang baptismal certificate at confirmation certificate.

Sinamahan din niya ang kanyang mommy Rea, na magpasukat ng gown at nagsagawa ng tasting para sa cocktails na ihahain sa kanilang reception.

Nang pumasok na sa lock-in, tuloy ang meeting nila sa kanilang wedding coordinator at maging sa suppliers sa pamamagitan ng online conference.

Tuwing break naman sa taping, inaayos rin ni Carla ang guest list ng kanilang kasal.

Sumabak na rin sina Carla at Tom sa isang canonical interview, isang requirement sa pagpapakasal kung saan ina-assess ng isang pari ang kahandaan ng dalawang tao bago magpakasal.

Malaki naman ang pasasalamat nila sa Archdiocese of Lipa na pinayagan silang i-schedule ito ng mas maaga.

"Thank goodness this parish allowed us to schedule our canonical interview earlier than supposed to. Tom an I have new shows and we will be at lock-in taping for the next four months. Thankfully. we were given some considerations to have our canonical interview earlier," pahayag ni Carla.

Tipikal na isinasagawa ang canonical interview isa hanggang tatlong buwan bago ang kasal.

"Because of the pandemic, lock-in talaga, so imposible talaga na mabigyan kami ng ibang considerations. Maa-affect 'yung trabaho ng lahat," lahad naman ni Tom.

Panoorin ang vlog ni Carla sa pagpapatuloy ng kanilang wedding preparations dito:

Sa nakaraan niyang vlog, ibinahagi ni Carla ang paglipad niya sa New York para bilhin ang kanyang dream wedding gown.

Naging engaged sina Carla at Tom noong October 2020, pero isinapubliko nila ito noong lamang March 2021.

Nakatakda naman silang ikasal ngayong October sa Tagaytay.

Nagkakilala sina Carla at Tom sa award-winning GMA drama series na My Husband's Lover at naging magkarelasyon simula 2014.

Samantala, silipin ang bachelorette party ni Carla dito: