Celebrity Life

Juancho Trivino pens heartfelt anniversary message for wife Joyce Pring

By Aimee Anoc

Masayang binati ni Juancho Trivino ang asawang si Joyce Pring para sa kanilang anibersaryo.

Sa Instagram, ibinahagi ni Juancho ang throwback video nila ni Joyce noong magkarelasyon pa lamang sila. Ikinuwento rin ng aktor kung paanong nasabing si Joyce na ang 'the one' para sa kanya.Inside link:

A post shared by Juancho Triviño (@juanchotrivino)

"Before we had a baby, si Joyce lang ang baby ko. Pabebe po talaga kami. Anyway this video was on the set of Unang Hirit early 2019," sulat ng aktor.

"Also halos the same time na bago palang kami na bf and gf and the same year na na-engage kami then ikinasal kaagad. For me, it was that famous 'You know when you know.'

"You saying yes constantly plays in my head. I miss you, my wife. Happy anniversary to us! Two years down, forever to go. Alam na alam mo na 'yun [Joyce Pring]," dagdag niya.

Kasalukuyang nasa taping bubble na ang Kapuso actor para sa upcoming GMA series na Little Princess. Dito ay isa siya sa leading men ng aktres na si Jo Berry.

Halos isang buwan ang itatagal ng first leg ng lock-in taping ng nasabing serye kaya maiintindihan kung bakit nami-miss ni Juancho ang kanyang misis at three-month-old na anak na si Alonso Eliam.

Samantala, tignan ang masayang pamilya nina Juancho Trivino at Joyce Pring kasama si Baby Alonso Eliam sa gallery na ito: