Celebrity Life

Tom Rodriguez, hindi nagpatalo sa ganda ng misis niyang si Carla Abellana

By Jansen Ramos

Lalong lumitaw ang kagandahan ni Carla Abellana sa kanyang Monique Lhuillier gown sa araw ng kanyang kasal.

Kaya naman ang kanyang mister na si Tom Rodriguez, hindi nagpahuli na i-flex ang kanyang fashion-forward groom look habang suot ang kanyang all-black suit na dinisenyo ni Francis Libiran.

Sa Instagram, nagpasalamat ang aktor sa kanyang glam team na binubuo ng makeup artist na si Lala Flores, at hairstylist na si Erlie Bentayao.

Sabi ni Tom sa kanyang post, "Wala lang...flex ko lang na ikinasal ako kagabi sa isang napakagandang binibini.

"Officially, nabakuran ko na sa wakas!

"Pero syempre papatalo ba ako sa ganda ni misis? Eh di resbakan natin! Couldn't have asked for a better AVENGERS team than:

"SUIT: @francislibiran8
"MAKEUP: @lalaflores16
"HAIR: @vansbentayao69

"Thank you for making me look and feel every bit as worthy for my beautiful bride/wife."

Hirit pa ni Tom, "WOOOOOOOOOOOT KASAL NA KAMI!!!!!! "

Ikinasal sina Tom at Carla kahapon, October 23, sa San Juan, Batangas matapos ang pitong taong relasyon.

Narito ang official photos mula sa kanilang classic white wedding: