Celebrity Life

Mark Herras prepares post-Valentine's day date with wife Nicole Donesa

Every day is heart's day para sa celebrity couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa na nag-celebrate ng kanilang Valentine's Day date kahapon, February 22.

Fresh mula sa last day ng second lock-in taping ng Artikulo 247, masayang ibinahagi ng aktor ang muling pagkikita nila ng kanyang anak na si Baby Corky.

Marami rin ang kinilig nang mag-post si Mark ng mga larawan nila ng asawang si Nicole habang nasa surprise dinner date na kanyang inihanda.

Makikita sa mga larawan ang sweetness ng dalawa, na halatang na-miss ang isa't isa matapos na pansamantalang magkahiwalay dahil sa 36-day lock-in taping ng aktor.

Maging ang Artikulo 247 co-stars ni Mark na sina Kris Bernal, Benjamin Alves, at Brent Valdez, hindi napigilang mag-comment sa kanyang post.

Nagpasalamat naman si Nicole sa sweet surprise na inihanda ng kanyang partner.

Samantala, silipin naman ang ilang larawan ng masayang pamilya nina Mark, Nicole at Baby Corky sa gallery na ito.