
Patok ngayon sa netizens ang bagong stunt nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na kuha mula sa Serengeti Pioneer Camp sa Tanzania, Africa.
Sa bagong stunt ng mag-asawa, makikitang buhat ng dalawang kamay ni Derek ang mga paa ni Ellen habang nakayakap at nakahalik naman ang aktres sa kanya.
Sa mga sumunod na larawan, kasama nang nagpakuha nina Ellen at Derek ang anak na si Elias habang nananatili sa kanilang stunt.
Agad naman itong umani ng iba't ibang nakatutuwang reaksyon mula sa kanilang followers.
"Grabe may challenge na naman," sulat ni @ria_quiambao.
"Ilang Pinoy na naman ang pahihirapan sa pic na 'to," dagdag ni @ballsee27.
"Hirap n'yo ka-bonding," biro naman ni @whitepearl911.
"Magkakandabali-bali na naman katawan ng mga gagaya," sabi ni @itsmammey.
"Tama na please... hirap na hirap na 'ko kay misis hahahahaha lol," komento ni @mikaelo05.
Matatandaang nag-viral noong Pebrero ang unang stunt nina Ellen at Derek kung saan binuhat ng aktor ang kanyang misis nang nakadiretso ang mga kamay at braso pahalang habang sitting pretty naman ang aktres sa balikat ng kanyang mister.
Tingnan ang ilang sikat na stunts nina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa gallery na ito: