
Malaki ang paghanga ni Mavy Legaspi sa pagiging hardworking ng on-screen partner niyang si Kyline Alcantara.
Sa isang press interview, ibinahagi ng Kapuso heartthrob ang iba pang katangiang hinahangaan niya sa aktres.
Ayon kay Mavy, may tatlong qualities si Kyline na nagbibigay sa kanya ng inspirasyon lalo na sa trabaho.
"Pagiging bubbly n'ya at energetic, at pagiging hardworking. Sobrang nakaka-inspire at nakaka-push rin sa sarili na you have this bubbly person in your life na super energetic," sabi ni Mavy.
Dagdag niya, "Nakikita mo 'yung focus and shift ng attitude n'ya towards work, and she also enjoys it. Iyan 'yung pinakagusto kong characteristics sa kanya, na she loves her job so much na it doesn't seem like work. That inspires you to work even more, at the same time enjoy the things that you love."
Parehong naging bahagi sina Mavy at Kyline sa katatapos lamang na GMA Telebabad series na I Left My Heart in Sorsogon.
Kabilang din sina Mavy at Kyline sa next big loveteams ng Kapuso Network na Sparkle Sweethearts na maghahatid ng kilig ngayong 2022.
Samantala, tingnan ang sweetest photos nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara sa gallery na ito: