
Isang simple at matamis na mensahe ang inilaan ng aktres na si Rufa Mae Quinto para sa kanyang asawa na si Trevor Magallanes dahil sa pagsuporta nito sa desisyon niya na magbalik sa Pilipinas.
Sa Instagram, ipinost ni Rufa Mae ang isang larawan niya kasama si Trevor at kanilang anak na si Athena habang nasa isang restaurant kalakip ang mensahe para sa asawa.
Ani Rufa, "Ang supportive kong asawa sa aming pagbabalik sa Pilipinas! Salamat sa trust and love! Mahal ka namin. Date date din finally!"
Taong 2020 nang magdesisyon si Rufa Mae na manirahan na sa Amerika kasama ang pamilya dahil krisis na dulot ng pandemya. Matapos ang mahigit dalawang taon na paninirahan sa ibang bansa ay nagbabalik sa Pilipinas ngayon si Rufa upang muling pasukin ang show business.
Kamakailan ay pumirma ng management contract si Rufa Mae sa Sparkle GMA Artist Center, at bilang nagbabalik Kapuso, excited ang aktres sa mga proyektong kanyang gagawin sa kanyang home network.
Samantala, silipin naman ang naging buhay ni Rufa Mae sa Amerika sa gallery na ito: