Celebrity Life

Ryan Agoncillo posts a cinematic photo of Judy Ann Santos on her birthday

By Jimboy Napoles

Idinaan ng aktor at Eat Bulaga host na si Ryan Agoncillo sa pagkuha ng larawan ang kanyang pagbati sa kaarawan ng kanyang asawa na si Judy Ann Santos.

Sa Instagram, ipinost ni Ryan ang kanyang kinunang larawan ni Juday habang nagbabasa at seryosong nakaupo sa tila kusina ng kanilang bahay.

"Happy Birthday, My Dear Judy Anne," caption ni Ryan sa kanyang post.

Agad naman nagkomento si Juday sa post ng kanyang asawa. Biro ng aktres, "44 equals.. antipara."

Noong nakaraang linggo, ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang 13th anniversary.

Sa hiwalay na Instagram post, ibinahagi ni Ryan ang larawan nila ni Juday kalakip ang throwback photo kung saan makikita ang kanilang naging engagement proposal.

"Hanggang ngayon iniisip ko pa rin… bakit ba pantulog ang sinuot ko at hindi ako nag tube nung gabing nag propose ka!?" ani Juday sa post ng kanyang mister.

Taong 2009 nang ikasal sina Ryan at Juday at biniyayaan sila ng tatlong mga anak na sina Johanna Louis o Yohan, Juan Luis o Lucho, at Juana Luisa o Luna.

Samantala, silipin ang masayang pamilya ni Judy Ann at Ryan sa gallery na ito.