Celebrity Life

Dennis Trillo honors Jennylyn Mercado on her birthday

By Maine Aquino

Isang sweet na mensahe at pagbibigay pugay ang inihanda ni Dennis Trillo para sa birthday ng kanyang asawa na si Jennylyn Mercado.

Ngayong May 15 ang kaarawan ng Ultimate Star na si Jennylyn.

Saad ni Dennis sa kaniyang post para kay Jennylyn, "Ang role mo bilang babae, bilang ina at asawa, napakahirap pala."

Ayon sa mahusay na Kapuso actor, humahanga siya sa kakayahan ni Jennylyn bilang babae, asawa, at ina.

Photo source: mercadojenny (IG)

"Bilib ako sa 'yo, kasi kayang-kaya mo lahat, you make it look so easy," ani Dennis.

Dugtong pa ni Dennis, "Ang swerte namin na kasama ka namin sa mga buhay namin, kaya nandito lang din kami parati para sa iyo🥰 I love you, happy birthday mahal ko."

Ikinasal sila Dennis at Jennylyn noong November 2021. Ipinanganak naman ni Jennylyn ang kanilang baby girl na tinatawag nilang "Baby D" last April 25, 2022.

Samantala, silipin ang nursery room ng baby nina Dennis at Jennylyn dito: