Celebrity Life

Glaiza De Castro, bakit hindi makakalimutan ang date sa parking lot?

Hindi mahilig sa mga engrandeng bagay ang Kapuso star na si Glaiza De Castro kaya kahit pagdating sa dating and relationships ay low maintenance lang din ang aktres.

Nasa personalidad ng aktres na enjoy-in ang maliliit na bagay tulad ng running na favorite bonding nila ng mister niyang si David Rainey.

Kahit sa past relationships ni Glaiza noong bata-bata pa siya ay hindi rin daw siya nahilig sa magagarbong sorpresa o regalo.

Patunay diyan ang hindi malilimutang date ni Glaiza na nangyari sa isang parking lot.

Bahagi niya sa isang online exclusive video ng GMANetwork.com, memorable ito sa kanya kahit pa hindi nangyari sa isang restaurant, sinehan, o anumang romantic na lugar dahil ito ang first time na nakapag-celebrate siya ng Valentine's Day nang hindi siya single.

Kwento niya, "'Di pa kami officially together no'n pero lagi lang kasi akong third wheel.

"So no'ng time na 'yon, meron akong gig, ang title n'ya 'The Third Wheel 'tapos pumunta siya then after ng gig, nag-parking lot kami. 'Di namin alam kung bakit kami napunta sa parking lot, tapos in-introduce ko siya sa kaibigan ko sa parking lot 'tapos nag-iyakan kami ng friend ko kasi finally happy na siya para sa 'kin na nakita niya 'yung special someone ko at that time gano'n."

Na-flatter din daw si Glaiza nang bigyan siya ng kanyang special someone ng bulaklak.

Patuloy niya, "'Tapos meron siyang binigay na flowers, 'di kasi ako mahilig sa flowers. Kumbaga parang 'di ko naa-appreciate 'yung flowers before pero no'ng time na 'yon Valentine's Day, tapos may pa-flowers, sabi ko, 'ay gano'n pala 'yung feeling.' Valentine's 'tapos may flowers 'tapos may special someone."

Para kay Glaiza, hindi naman daw kailangang engrande para ipadama ang iyong feelings sa iyong special someone.

Panoorin ang video kung saan mapapanood din ang False Positive leading man ni Glaiza na si Xian Lim dito:


Ngayon ay happily married na si Glaiza sa kanyang Irish husband na si David Rainey. Ikinasal sila noong October 2021.

Tingnan ang kanilang wedding photos dito: