Celebrity Life

WATCH: Yasmien Kurdi pranks her husband Rey Soldevilla

By EJ Chua

Ang aktres at Starstruck alumna na si Yasmien Kurdi ay happily married sa kaniyang non-showbiz partner na si Rey Soldevilla at isang hands-on mom naman sa kanilang anak na si Ayesha.

Nito lamang May 15, nagdiwang ng kaarawan ang asawa ni Yasmien at isang espesyal na regalo ang inihanda niya para rito.

Sa latest vlog na in-upload ng Start-Up Ph star sa kaniyang Youtube channel, mapapanood na isang prank ang isinagawa ng aktres bago niya ibinulgar ang isang sorpresa.

Sa unang parte ng kaniyang vlog ay mapapanood ang iba't ibang reaksyon ni Rey habang kinukulit siya ni Yasmien.

Ilang kunwaring plano kasi ang inilatag ng aktres na labis na ikinainis ng kaniyang partner dahil sa pabago-bago raw ang mga balak nitong gawin.

Bukod sa mga pagkain bilang handa nito sa kaniyang birthday, labis na napasaya ni Yasmien ang kaniyang asawa nang makita nitong ipinasundo pala ng aktres ang kaniyang mga magulang.

Kaya naman, ang simpleng handaan ay mas naging espesyal dahil sa kakaibang regalong natanggap ni Rey mula sa kaniyang asawa.

Panoorin dito kung paano isinagawa ni Yasmien ang prank at sorpresa niya sa kaniyang asawa:

Abangan ang excellent acting skills ng isang Yasmien Kurdi sa nalalapit na pagpapalabas ng Philippine adaptation ng hit Korean series na Start-Up sa GMA Telebabad.

Samantala, tingnan ang quarantined life ni Yasmien at ng kaniyang pamilya sa gallery na ito: