Celebrity Life

Kim Domingo visits her best friend's grave on National Best Friends Day

By EJ Chua

Kasunod ng pagdiriwang ng National Best Friends Day, isang okasyon na karaniwang ginugunita sa United States, inalala ni Kim Domingo ang kaniyang namayapang kaibigan.

Sa latest post ni Kim sa Instagram, makikitang bumisita siya sa puntod ng kaniyang guy best friend na si Zacharael sa mismong araw din ng kaarawan nito.

Sulat ng Start-Up Ph actress sa caption ng kaniyang post, “Walang iyakan today ha?
Happy Birthday in heaven bes @zach_gelzz. Thank you sa laging pag-guide sa akin. Love you.”

Sa isang interview, ibinahagi ng Kapuso actress ang ilang detalye tungkol sa pagkakaibigan nila ni Zacharael.

Ikinuwento ni Kim na nakasuporta raw ito sa kaniya mula noong naging cover girl siya ng isang sikat na men's magazine hanggang sa tuluyan siyang makapasok sa mundo ng showbiz noong 2012. Nasaksihan din daw nito ang mga tagumpay na kaniyang nakamit tulad noong nakabili siya ng sariling bahay at sasakyan.

Matatandaang labis ang pagluluksa ni Kim nang pumanaw ang kaniyang best friend noong 2020 dahil sa sakit sa baga.

Abangan si Kim Domingo sa pinakainaabangang drama series na Start-Up Ph, malapit nang mapanood sa GMA-7.

Samantala, silipin ang behind the scenes ng Start-Up Ph sa gallery na ito: