Celebrity Life

Maris Racal at Rico Blanco, sa Las Vegas unang nag-date

By Jimboy Napoles

Inamin ng showbiz couple na sina Maris Racal at Rico Blanco sa pamamagitan ng isang vlog na sa Las Vegas nangyari ang kanilang unang date dahil sa takot na malaman ng publiko ang kanilang relasyon noon.

Taong 2021, nang kumpirmahin ng aktres na si Maris ang real score sa kanila ni Rico at simula noon ay unti-unti na silang mas naging bukas sa mga tao patungkol sa kanilang May-December love affair.

Kahapon (June 22), sa isang YouTube vlog na ipinost ni Maris, mapapanood ang dalawa na kumakain ng isaw a paikot ng Diliman campus ng University of the Philippines habang ikinuwento kung paano nagsimula ang kanilang love story.

Dito ay nabanggit ni Maris ang nangyari sa kanilang first date.

Kuwento niya kay Rico, "Noong naging tayo 'di ba, hirap tayo mag-date kasi ayaw nating makita ng mga tao kasi takot tayo na baka hindi nila tayo maintindihan."

"Bakit tayo?.. More ikaw," sagot naman ni Rico.

"Ay ako lang pala 'yung takot. Ikaw hindi," pagsang-ayon naman ni Maris.

"Ako, hindi ako takot," dagdag pa ni Rico.

Pagpapatuloy ni Maris, "Kas,i 'di ba, yung first date natin pumunta tayo sa Vegas, kasi tago nga tayo, 'di ba?"

Nagkataon daw noon na parehong nasa Amerika sina Maris at Rico. Si Maris ay tour para sa kanyang proyekto habang may inaayos naman na research si Rico hanggang sa napagkasunduan nilang magkita at mag-date sa Las Vegas.

Sa nasabing vlog, napagusapan din ng dalawa ang ilang awitin na kanilang isinulat at pinaplanong ilabas.

Samantala, kilalanin pa ang ilang celebrity couple na may May-December love affair sa gallery na ito: