Celebrity Life

Angelica Panganiban, paano napasagot ni Gregg Homan?

By Maine Aquino

Kuwento ng kung paano na-in love si Angelica Panganiban kay Gregg Homan ang napanood sa YouTube channel ng dalawa kamakailan.

Ito ay ibinahagi ng dalawa sa kanilang masayang beach weekend getaway sa Subic.

Pag-amin ni Angelica habang sila ay nagpapahinga ni Gregg, "Dito po ako nadale ni Gregg sa pa-beach beach na ganito."

Photo source: YouTube: The Homans

Dugtong pa ng aktres, "In-every weekend niya ako. "Tara Subic tayo!""

Natawa naman si Angelica nang marinig ang sagot ni Gregg sa kaniyang sinabi. Saad ni Gregg sa vlog, "Consistent naman po ako, ginagawa pa rin namin 'to kahit nabuntis ko na siya."

Sina Angelica at Gregg ay ibinahagi ang magandang balita nitong March 2022 na magkakaroon na sila ng anak. Sa kanilang nakaraang vlog ay ni-reveal na baby girl ang ipinagbubuntis ni Angelica.

Ayon kay Angelica, hindi maiiwasan ma-in love sa naging buhay nila sa Subic.

"Sino ba naman ang hindi mai-in love sa ganito? The life!"

Isa rin sa ibinahagi nina Angelica at Gregg ang kanilang weekend beach trips.

Kuwento ni Angelica, "Ito ang aming typical beach day weekend. Pag weekends lang kami nasa dagat, sa beach, lalo na kung maganda 'yung weather. Summer na so madalas kaming nagdadagat."

Ayon pa sa celebrity mom, masaya siya na pinayagan na siya ulit ng kaniyang doktor na makapag-boat.

"Buti in-allow na ako ng doctor na mag-boat boat ulit. Pero magaling 'yung driver ko e."

Saad pa ni Gregg, "We're super careful."

Panoorin ang kanilang beach trip dito: