
Puno ng excitement ang first time parents na sina Rocco Nacino at Melissa Gohing sa pagdating ng kanilang baby.
Ang celebrity couple ay ibinahagi ang paghihintay sa anak nilang tinawag nilang Baby N. Ayon kay Rocco ay nasa third trimester na ng pregnancy si Melissa.
Photo source: nacinorocco
Sa ginanap na online press conference ng Mama Luna nitong July 5 ay ibinahagi nila ang kanilang excitement sa nalalapit na pagdating ng kanilang first baby. Ang Mama Luna ay isang product collaboration nina Rocco at Melissa na ginawa for pregnant moms at buong pamilya. Ito ay binubuo ng Phytosense Conditioning Shampoo, Bath Gel, at Body Lotion.
Kuwento ni Melissa ay excited sila na puro para sa kanilang baby ang inaasikaso nitong mga nakaraang mga araw.
"Super excited. Kaya kami busy these past weeks, we're getting stuff for the baby. Puro for baby."
Ibinahagi rin ni Rocco na nakaabang sila lagi sa mga moments na magpaparamdam ang baby sa loob ng tiyan ni Melissa.
Ani Rocco, "We're excited na to the point na every time sumipa si baby nakaabang kami. We'll just watch her tummy."
Saad pa ni Rocco ang kaniyang napansin sa anak, "Napansin namin mahilig siya sa rock music. So nakakatuwa. We're that excited every time na nagpaparamdam si baby, nandoon kami to experience it."
Ibinahagi nina Rocco at Melissa ang kanilang pregnancy announcement last May 6. Nitong June ay ibinahagi naman nila na baby boy ang ipinagbubuntis ni Melissa.
Samantala, balikan ang naging gender reveal party nina Rocco at Melissa dito: