Celebrity Life

Bianca Umali flexes matching tattoo with Ruru Madrid

By Jimboy Napoles

Lumipad patungong South Korea ang Kapuso actress na si Bianca Umali upang bisitahin si Lolong actor Ruru Madrid na abala ngayon para sa taping ng Running Man Philippines.

Sa isang Instagram post, hindi man direktang sinabi ni Bianca na magkasama na sila ni Ruru, nag-upload naman siya ng larawan habang sila ay magka-holding hands ng aktor. Makikita pa sa kanilang mga kamay ang cute matching tattoo na smiley.

"Saranghaeyo... :)," simpleng caption ng aktres sa kanyang post na ibig sabihin ay, "I love you."

Marami naman sa kanilang mga kaibigan ang kinilig sa post na ito ni Bianca. Sa comment section ng kanyang post, nag-iwan ng reaksyon sina Kapuso actress Kyline Alcantara, former First Lady actress Sanya Lopez, Megan Young, at kapatid ni Ruru na si Athena Madrid.

Matatandaan na hindi nagkasama sina Bianca at Ruru sa nagdaang GMA Thanksgiving Gala kamakailan at ang pagtungo ni Bianca sa Korea ay ang kanilang much-awaited reunion.

SILIPIN ANG ILANG KILIG PHOTOS NINA BIANCA AT RURU SA GALLERY NA ITO: